No menu items!
More

    Answers Come When Least Expected

    Ang tao ay sadyang mahina pagdating sa sukatan ng paniniwala, madaling nawawalan ng pag-asa, pinanghihinaan ng loob, sumusuko at madalas nag-woworry tungkol sa mga uncertainties sa buhay. Oo nga “tao lang” pero minsan kailangan nating matuto at sumunod sa mga direksiyon ng higit na nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa atin.

    Nananalangin tayo ngunit sa kalauna’y sumusuko sapagkat ‘di umaayon ang mga pangyayari sa ating inaasahan.

    Here’s my story which I would like to share how God answered my prayer in a nice and unexpected way.

    Unang buwan ng taong 2011, hindi na ako pumasok sa trabaho dahil inaantay ko ang tawag ng bagong opisina na papasukan ko. Nagresign kasi ako sa dati kong trabaho sa kadahilanang para sa ikauunlad ng karerang pangpropesyonal (career).

    Nayamot, nabagot, nainip, kinabahan at natakot. Halo-halong pakiramdam ang aking naranasan habang tumatagal ang aking pag-i-istambay.

    Kumain, manuod ng TV, magbasa ng libro, matulog at ang mga paulit-ulit na gawaing bahay, may mapagpalipasan lamang ng oras sa araw-araw na paghihintay. Nagkataon pang sira ang aming computer, kaya wala talagang ibang opsyon kundi mamasyal nalang sa mga malls (window shopping).

    Okay naman, kasi nasulit namin ang bonding ng aking pamilya. Pumunta kami sa ibat-ibang lugar pasyalan, sa mga game zones kagaya ng sa Puregold Munumento para maglaro ng kung ano-ano. Sa totoo lang, gustong gusto ng anak ko na pumunta doon, yun nga lang hindi naman pwede na araw-araw pagkat nagtitipid din kami baka kasi hindi umabot ang badyet.

    Tinangka nga rin namin na pumunta sa Malabon Zoo, pero umuwi kami ng di manlang nasilayan ang mga ibinibidang malalaking ZOO animals. “Uwi nalang tayo anak! Bawal daw pumasok kasi nakawala ang Leon”, pabirong sabi ng aking asawa sa sabik naming anak na makapasok sa zoo. Nagbago kasi agad ang aming excitement nang makita namin ang ENTRANCE FEE. Akala kasi namin di ganun kamahal, “sayang din ang pang-isang linggong badyet”, pabulong na wari ng aking asawa habang pinagmamasdan ang reaction ng aming bulinggit. Buti nalang madali namin siyang nauto.

    Umabot na ng halos tatlong lingo ang aking paghihintay. “Dapat kasi hindi ka muna nagresign” galit ng sabi ng aking asawa. Yan ang paulit-ulit na paninisi niya sakin kada maalalang paubos na ang aming badyet.

    Sa totoo lang end-contract narin kasi ako sa dati kong trabaho, pero hindi ibig sabihin na tapos na ako dun. Sa katunayan, pinapapirma ako ng panibagong contrata – pero ayaw kong mangyari na pipirma ako tapos aalis din kaagad pag-lilipat na ako sa bago kong trabaho (unethical).

    Oo, sigurado na akong matatanggap sa trabahong iyon, kinausap ko kasi si Mam Liza (HR head) para i-confirm kung kasama ako sa mga makukuha. Positibo naman ang tugon, kaya malakas ang loob ko na hindi pumirma at nagdisisyong antayin nalang na tawagan ako para magsimula sa trabaho.

    Isa pa, regular posisyon kasi yun at di hamak na mas-malaki ang sahod kaysa sa dati kong trabaho. Pero ang problema tatlong lingo na, di parin ako tinatawagan.

    Naubos na yata ang pasensya ng aking asawa, di ako tinatantanan na awayin hanggang sa maburyong ako sa kanyang pangungulit. Naiintindihan ko naman siya, ilang araw na rin kasi niyang sinasabi na paubos na ang aming badyet.

    Para maibsan ang sobra niyang pag-wowory nagdisiyon akong mag-apply na nga sa iba.

    Malakas ang loob ko, sa katunayan meron pa akong ibang opsyon. Tinexan din kasi ako ng dati kong boss sa BAR (Bureau of Agricultural Research) para ipamalita ang mga openings sa bago rin niyang opisina, nagpalipat kasi siya. “Mon baka gusto mong mag-aply sa PCC (Philippine Carabao Center) naghahanap kasi sila ng mga writers”. December pa yun bago magpasko. Kaso diko lang inaplayan kasi malakas ang paniniwala ko na matatanggap na ako sa DOST.

    Pero ngaun, inaplayan ko na! Nagsubmit na din ako sa ibang mga job openings sa kahit anong posisyon na pwede kong pasukan. Marami kasi yun sa jobstreet. Nagbabaka-sakali, desperado narin kasi na makapagtrabaho agad.

    Kinabukasan, balik sa dating routine ng paggiging istambay. Maaga ako nagising at inihanda ang mga labahin, para kahit papano ay matuwa naman ang aking asawa. Inihanda ko narin ang almusal at maging ang sahig nilampasohan ko na rin.

    Mga alas diyes na ng umaga ng siya’y gumising, malamang napuyat nanaman kasi inu-ubos ang lahat ng palabas sa TV bago matulog. “Du kape ka na”, malumanay na tugon sakin habang abala ako sa paglilinis ng aquarium sa labas ng bahay. Nagulat lang ako, kasi mukhang napakaganda ang gising.

    Sa mga nagdaang araw kasi, sermon agad ang tugon pagnakikita na di ako umaalis ng bahay para maghanap ng trabaho. Kaya madalas maaga palang sinusuyo ko na habang kami ay nagkakape.

    Sa katunayan, madali naman siyang kausapin, kaso nga lang masyado siyang nagwowory para sa bukas – although tama lang naman. ‘Wag mo lang salubungin ang galit – kundi masisira ang buong araw sa paulit-ulit na usapan.

    Lambing na may kasamang halik, sabay yapos nang mahigpit “don’t worry love, its not your responsibility, kaya hayaan mo na ako ang maghanap ng paraan.”, mga katagang animo’y gamot na nakapagpapakalma sa kanya sa mga ganoong sitwasyon.

    “Punta ka daw sa DOST, nagtext si mam Liza” masayang pinamalita habang iniaabot ang isang baso ng mainit na kape. Ito ang balitang nagbigay muli ng buhay at pag-asa na kahapon lang ay sinukuhan at tinalikuran ko.

    Sa katunayan pinagpi-pray ko ang trabahong ito mula pa nuong July 2010 na nagsubmit ako ng application. In fact I claimed it also.

    October na, nuong tinawagan ako for interview. Sa awa ng Diyos okay naman.

    November 2010 nag-exam ako kasama ng iba pang mga aplikante sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) sa may guidance office daw. Nahirapan nga akong hanapin kasi diko inakala na sa isang abandon building pala yun.

    Sa awa ng diyos nakapasa naman yata, kasi tinawag ako end of the month for panel interview.

    Sa interview na iyon kinabahan ako, sa tingin ko kasi mukhang di nakokontento sa mga sinasabi ko ang isa sa limang panelists. Okay lang yun, basta totoo at walang halong kaplastikan ang mga sinabi ko.

    Napawi lang ang aking kaba ng sabihan ako na kailangan kong makompleto lahat ng requirements first week of December. “You have to complete all your requirements”, tugon ni mam Lisa, kasi daw urgent!, “when we say urgent, as in now na” follow-up niyang sinabi. Mga katagang nagbigay muli sakin ng pag-asa na sinundan pa ng “If you able to complete all you might start before the end of the year”.

    Ngunit 3rd week na ng January 2011, umabot ng halos isang buwan ang aking pag-aantay. Ilang beses narin ako nagpa follow-up. Sa katunayan, pakiramdam ko’y na-iinis na sila saking kakulitan. “Hindi pa po napipirmahan ang appointment niyo, tatawagan nalang po namin kayo once na napirmahan na” mga paulit-ulit ding sagot kada tumatawag ako sa opisina para magtanong.

    Pero salamat sa text na iyon, pumunta ako sa opisina, pinapirma at sa araw ding iyon na-orient ako kasi mag-iistart na daw ako kinabukasan. Nangati ang aking mga mata marahil sa gumigilid na luha dala ng tuwa at galak na nararamdaman ko. Maraming Salamat Lord!, sigaw ng aking puso kasabay ng paghingi ng tawad sa kahinaang pinamalas dahil sa pagtalikod at paghinto na umasang matutupad ang ilang buwan ding laman ng panalangin.

    20 January 2011 masaya akong nagsimula sa trabaho.

    Malaki ang aking pasasalamat sa kasagutan na iyon, pero ang Diyos pag magbigay ng biyaya hindi lang iisa o kokonti – umaapaw, siksik at liglig.

    Three days after na magstart ako sa trabaho – nalaman ko via friend na nanalo rin ako sa 2010 Brightleaf Journalism Award – isang prestihiyosong award-giving body sa mga manunulat patungkol sa agrikultura.

    Wala akong mapagsidlan ng tuwa sa sa mga oras na iyon. Sa katunayan nga hanggang sa mga sandaling ito habang sinusulat ko ang piyesang ito, hindi ko lubos maisip na sa baguhang kagaya ko napunta ang “Best National Feature Story Award”. Unbelievable but God does it! (ill make separate article about the specifics of the award)

    Kumbaga binigyan na niya ako ng kanin at ulam may gravy pa!

    I’ll bring back all the praises and glory to HIM who did all these to me. God is always GOOD!

    Stay in the Loop

    Get the daily email from CryptoNews that makes reading the news actually enjoyable. Join our mailing list to stay in the loop to stay informed, for free.

    Latest stories

    - Advertisement - spot_img

    You might also like...